YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na assignment. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na assignment. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Abril 25, 2015

Ang Singsing ( by Juan Amodia )

Pagsusuri sa Akdang
“Ang Singsing
ni Juan P. Amodia
 I.       Pagkilala sa may Akda
-Walang naitalang impormasyon sa may akda.
II.       Uri ng Panitikan
Ang akdang “Ang  Singsing” ay  dula na melodrama
III.      Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang buhay na kung saan ay hahamakin ang lahat para makuha lamang ang gusto.Pati na rin ang pagiging mayabang na magdudulot sa atin sa pahamak
IV.         Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol  pagiging mayabang sa tuwing nakakatamasa ng ginhawa sa buhay  at ang hindi pagiging mapagbigay sa kapwa.
V.        Mga Tauhan sa Akda
-       Sarah
-       Matandang Lalaki
VI.         Tagpuan/ Panahon
-     Isang parke
VII.       Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       nagpapakita ng paghamak sa kahit ano upang makuha lamang ang ginusto-gusto natin. Ngunit sa oras na makuha ay  ipingdadamot pero pinagyayabang naman ito.
VIII.     Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-      Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Paghamak sa kahit ano pa man upang may maipagyabang lamang. Ang pagiging maramot sa kahit may natatamasa na kaginhawaan sa buhay.
IX.         Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan. Hindi naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito. Simple lamang ang ang ilang mga salita na ginamit sa akda.

X.          Buod

-       Si Sarah ay isang batang mabait, kaya naman sa ika-anim na kaarawan niya ay marami siya natanggap na regalo. Ang pinaka nagustuhan niya ang singsing na bigay ng kanyang tiyuhin. Dali-dali siyang nagpaalam sa ama na pupunta siya parke. Ang hindi alam ng ama ay ipagyayabang lamang niya ang singsing sa mga kalaro. Manghang-mangha naman ang mga kalaro sa singsing. Sa pag-wui niya ay may naksalubong siyang matanda, sinabi na maari bang maisukat ang singsing. Pagkasukat ay hindi na maalis rito ang singsing. Natakit si Sarah kaya hindi na niya ito nakuha. Pagbalik niya sa parke ay nagkakagulo sila sa matandang lalaki, natakot siya dahil nasa daliri pa rin nito ang singsing. Pero pursigido siya na makuha ang singsing. Pinuntahan niya ang matanda sa sementeryo. Pilit niya kinuha ang singsing, hanggang sa kinagat niya ang daliri ng matanda para lang makuha ito. 

Miyerkules, Enero 22, 2014

Moses, Moses : Suring Trahedya

Pagsusuri sa Akdang
“Moses, Moses”
ni Rogelio Sikat
 I.       Pagkilala sa may Akda
-Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, attagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro,Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
II.       Uri ng Panitikan
Ang “Moses, Moses” ay isang sikat na dulang trahedya.
III.      Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama rin ang kabuktutan ng pamahalaan kasama na rinang mga opisyal nito. Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi dapat takasan.
IV.         Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga karimlan ng pamahalaan at ang mga opisyal nito. Naglalayon din na maipakita ang hirap sa mga problema. Ang suliranin laban sa sarili , lipunan at mga kapwa.
V.        Mga Tauhan sa Akda
-       Regina Calderon - 48, balo, isang maestro
-       Tony  -panganay niyang anak, estudyante
-       Aida  - anak niyang babae, estudyante
-       Ben - 16, bunso, estudyante
-       Ana -  46, matandang dalaga, kapatid ni Regina
-       Ang Alkalde
-       Ang Konsehal

VI.         Tagpuan/ Panahon
-     Isang “Middle Class” na komunidad sa Rizal ; 1950’s
VII.       Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       nagpapakita ng sistema ng pamahalaan sa ating bansa. Ang paghihirap ng mga taong na nabibiktima ng gaintong gawain . Kasama rin ang paghihiganti ng mga nasaktan at pagtatakip ng mga tao sa ganitong gawain. Paulit-ulit na mangyayari ito kung patuloy ang paghihiganti at galit ang papairalin natin.
VIII.     Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-      Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa usapin ng pulitika sa ating bansa. Mga karahasan sa ating bansa at pati na rin ang paghihiganti ng mga taong nabiktima ng pangyayaring ito . Sumasalamin din ito sa mga desisyon na nagagawa natin kung puno ng galit ang ating mga puso. Karaniwan nakakagawa tayo ng maling desisyon na magpapalala pa sa sitwasyon
IX.         Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan. Naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito. Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.
X.          Buod

Napabalita na pinagsasamantalahan ng anak ng alkalde si Aida na anak ni Regina. Humingi ng tawad ang alkalde at hiniling na iurong ang kaso isinampa ng pamilya, tumanggi sila dito. Nanaig din kay Tony na ipaglaban ang kaso dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang ama.Lalo silang nabahala dahil patuloy na pakikipagrelasyon ni Aida sa anak ng alkalde, kailangan niya na ren ng “tranquilizer” upang mapakalma siya. Isang araw nga ay nanaginip siya na si Tony ay pilit na pinapainom ng lason ang anak ng alkalde. Ilang sandal lang ay nabalitaan nila na pinatay ni Tony ang binata. Hinabol siya ng mga pulis , inagaw naman ni Regina ang baril mula sa anak. Tinutukan si Tony ng mga pulis pero hinarangan ito ng ina ngunit biglang inagaw ng anak ang baril.Nguni hindi sinasadya na mabaril ni Regina ang mismong anak niya at nahuli ito ng mga pulis.

Martes, Oktubre 8, 2013

Suring Talumpati


Pagsusuri sa Akdang
“Huling Talumpati ni Ninoy Aquino”
ni Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr.

             I.        Pagkilala sa may Akda.
-              Si Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre, 1932. Siya ay anak ng dating Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.
-       Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law), si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril at nalugmok sa Tarmac. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto 21, 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.
-       Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.
         II.          Uri ng Panitikan
-                Isa itong halimbawa ng talumpati
          III.        Layunin ng may Akda
-               Ito ay naglalayon na mabuksan ang isipan ng mga Pilipino ukol sa pinaglalaban ni Ninoy para sa ating bansa. Layon din nito maging bukas ang isipan ng mga mamamayan sa diktaturya ng Pangulong Marcos sa panahong iyon.
         IV.        Tema o Paksa ng May-akda
-              Isang madamdaming talumpati ng pagkamakabayan at sakripisyo na ginawa ni Ninoy Aquino.
          V.          Mga Tauhan sa Akda.
-               Ninoy Aquino
-               Pang. Ferdinand Marcos
           VI.      Panahon
-               1983, Singapore

           VII.    Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-               Nagpakita ng damdaming makabayan at hirap na dinanas ni Ninoy Aquino. Sinaad niya rin dito ang buhay niya sa Boston at ang mga sandal kasama niya ang pamilya. Sinabi rin ang mga ginawang pang-aapi ng dictator na si Pang. Marcos.

             VIII.        Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-               Ang madamdaming talumpati ni Ninoy Aquino na nagtataglay ng kanyang kahandaan sa kamatayan niyang inaasahan sa pagbalik sa bansa. Gusto niya rin malaman ng mga Pilipino na kailangan nilang tapusin ang diktaturya ng pangulo at kumilos na para sa demokrasya. Ang inilahad niyang talumpati ay nagtataglay ng damdaming makabayan na hindi matatawaran.

                     IX.    Buod
-              -  Matapang na pagpapahayag ng kahandaan sa kamatayan ni Ninoy Aquino sa pag-uwi niya sa Pilipinas ang bungad niya. Matapos ang tatlong taon ng pagtigil niya sa Boston upang operahan sa puso, tapos na din ang nilaan na panahon ng pamahalaang diktaturya para sa kanya. Alam niya na pagdating dito ay “death sentence” ang sasalubong sa kanya, inihanda na niya ang sarili sa pinaka malalang mangyayari. Siya ay inakusahang nangungunang komunista sa bansa na kanyang pinabulaanan. Nahahabag siya sa buhay na dinaranas ng mga kababayan niya matapos ipatupad ang “Martial Law” noong Setyembre 21, 1972. Ang Pilipinas ang naging isang mundo ng takot at krimen na lalong nagpapahirap sa mga tao upang makabangon. Gusto niya rin ipabatid sa mga tao na kailangan ng kumilos at mas paigtingin ang kagustuhang maibalik ang demokrasya.Sa tulong ng Diyos at mga taong nagtutulong –tulong ay makakmit din ang kalayaan sa diktaturya sa administrasyon ng pangulong Marcos. Tinapos niya ito sa mga salitang “I return from exile and an uncertain future with only determination and faith to offer – faith in our people and faith in God.”


"HULING TALUMPATI NI NINOY AQIUNO"

Ako nagbalik sa aking libreng kalooban na sumali sa hanay ng mga struggling upang ibalik ang aming mga karapatan at mga kalayaan sa pamamagitan ng mga di- karahasan .

Humingi ako walang paghaharap . Lamang ako at manalangin ay nagsusumikap para sa isang tunay na pambansang pagkakasundo itinatag sa katarungan .

Ako ay inihanda para sa pinakamasama , at nagpasya laban sa payo ng aking ina , ang aking espirituwal na tagapayo , marami sa aking mga kaibigan nasubok at ang ilan sa aking mga pinaka- nagkakahalaga pampulitika tagapayo .

Ang isang kamatayan naghihintay sa akin. Dalawang higit pang pagbabagsak singil , parehong pagtawag para sa parusa ng kamatayan , na nag-file dahil iniwan ko tatlong taon na ang nakakaraan at ngayon ay nakabinbin sa mga korte .

Tatlong taon na ang nakalilipas kapag ako ay naiwan para sa isang emergency operation puso bypass , umaasa ako at prayed na ang mga karapatan at mga kalayaan ng aming mga tao ay lalong madaling panahon ay maibabalik , na mga kondisyon na living gusto mapabuti at ang dugo - pagpapaalam nais itigil .

Kaya kong nagpasya na humingi ng pampulitika ng pagpapakupkop laban sa America , ngunit sa tingin ko ito ay ang aking tungkulin , dahil ito ay ang tungkulin ng bawat Filipino, upang magdusa kasama ng kanyang mga tao lalo na sa oras ng krisis . Hindi ko kailanman na hinahangad hindi pa ako nabigyan ng anumang mga assurances , o pangako ng kaluwagan sa pamamagitan ng mga rehimen. Bumalik ako kusang-loob na armado lamang na may isang malinaw na budhi at pinatibay sa pananampalataya na sa katapusan , katarungan ay sumulpot nagdiriwang . Ayon sa Gandhi , payag ang sakripisyo ng mga walang-sala ay ang pinaka-makapangyarihang kasagutan sa walang galang paniniil na pa na- conceived sa pamamagitan ng Diyos at tao .

Sa halip na sumulong pa namin inilipat paatras . Ang mga killings ay nadagdagan , ang ekonomiya ay kinuha ng isang pagliko para sa mas masahol pa at ang tao sitwasyon karapatan ay deteryorado .

Sa panahon ng panahon ng militar na batas, ang kataas-taasang hukuman narinig petitions para habyas korpus . Ito ay pinaka- tumbalik pagkatapos ng batas militar ay di-umano'y na itinaas , na ang kataas-taasang hukuman noong nakaraang Abril pinasiyahan maaari itong mas mahaba aliwin petitions para habyas korpus para sa taong pinigil sa ilalim ng Presidential Order pagtuon , na sumasaklaw sa lahat ng tinaguriang pambansang seguridad kaso at kung saan naroroon sa ilalim ng pangyayari maaaring masakop ang halos anumang bagay .

Ang bansa ay sumulong nang malayo sa kanyang mga oras ng problema. Pang-ekonomiya, panlipunan at pampulitikang mga problema tumaranta ang mga Pilipino . Ang mga problema ay maaaring surmounted kung kami ay nagkakaisa . Ngunit maaari naming ma Estados lamang kung ang lahat ng karapatan at kalayaang tangkilikin bago Septiyembre 21, 1972 ay ganap na ibinalik.

Ang Pilipino tinanong para sa walang higit pa, ngunit tiyak tanggapin walang mas kaunti, mas mababa sa lahat ng karapatan at kalayaang garantisadong sa pamamagitan ng ang 1935 saligang batas - ang pinaka- banal legacies mula sa founding ama .

Oo , ang mga Pilipino ay matiyaga , ngunit may limitasyong sa kanyang pasensya . Dapat namin maghintay hanggang pasensya na snaps ?

Ang nationwide paghihimagsik ay dumadami at nagbabanta sa sumabog sa isang duguan rebolusyon . Mayroong isang lumalagong cadre ng mga batang Pilipino na sa wakas ay dumating sa mapagtanto na ang kalayaan ay hindi kailanman ipinagkaloob , ito ay nakuha na. Dapat relive namin ang agonies at ang dugo - pagpapaalam sa mga nakaraan na nagdala ng nakalahad sa aming republika o maaari naming umupo bilang kapatid na lalaki at babae at talakayin ang aming mga pagkakaiba ng katwiran at tapat na kalooban ?

Madalas ko nagtaka kung gaano karaming mga hindi pagkakaunawaan sana naisaayos na madali ay ang disputants lamang dared upang tukuyin ang kanilang mga tuntunin .

Kaya bilang na mag-iwan walang kuwarto para sa hindi pagkakaunawaan , dapat ko bang tukuyin ang aking termino:

Anim na taon na ang nakakaraan , ako ay sentenced upang mamatay bago ang isang grupo ng nagpapaputok sa pamamagitan ng isang militar husgado na ang hurisdiksyon ko steadfastly tumangging makilala . Ito ay ngayon oras para sa rehimen na magpasya . Order ang agarang pagpapatupad o itakda sa akin libre.

Ako ay sentenced upang mamatay para sa di-umano'y pagiging ang nangungunang komunista lider . Ako ay hindi isang komunista , ay hindi kailanman at hindi kailanman ay magiging .

Pambansang pagkakasundo at pagkakaisa maaaring nakamit , ngunit lamang na may katarungan , kabilang ang hustisya para sa aming mga Muslim at Ifugao kapatid na lalaki . Maaaring walang deal na may isang diktador . Walang kompromiso sa diktadura .

Sa isang rebolusyon doon ay maaaring talagang maging walang panalo rito , tanging ang mga biktima . Wala kaming upang sirain upang bumuo .

Pagbabagsak Nagmumula pangkabuhayan, panlipunan , at pampulitika sanhi at ay hindi malutas sa pamamagitan ng pulos militar na solusyon : Ito ay maaaring hindi curbed may kailanman pagtaas ng pagkakapigil ngunit gamit ang mas patas na pamamahagi ng kayamanan , mas demokrasya at higit pa kalayaan .

Para sa ekonomiya ng upang pagpunta sa sandaling muli , ang mga trabahador ay dapat na ibinigay na kanyang lamang at ayon sa batas o magbahagi ng kanyang paggawa, at upang ang mga may-ari at mga tagapamahala ay dapat maibalik ang pag-asa kung saan may kaya dapat ng kawalan ng katiyakan kung hindi kawalan ng pag-asa .

Sa isa sa mga mahaba ang corridors ng Harvard University ay inukit sa granite ang mga salita ng Archibald Macleish : ' Paano dapat kalayaan ay defended ? Sa pamamagitan ng armas kapag ito ay inaatake sa pamamagitan ng armas ; sa pamamagitan ng katotohanan kapag ito ay inaatake sa pamamagitan ng namamalagi ; sa pamamagitan ng demokratikong pananampalataya kapag ito ay inaatake sa pamamagitan ng awtoritaryan aral ng isang iglesya . Laging at sa mga huling gawa , ayon sa pagpapasiya at pananampalataya . '

Bumalik ko mula sa pagpapatapon at isang hindi tiyak hinaharap na may lamang pagpapasiya at pananampalataya upang mag-alok - pananampalataya sa aming mga tao at pananampalataya sa Diyos . ( 1983)




Sabado, Oktubre 5, 2013

Ito Pala Inyo ni Federico Sebastion

Pagsusuri sa Akdang
“Ito na Pala Inyo”
ni Federico Sebastian

I.        Pagkilala sa may Akda
-Si Federico B. Sebastian ay ang unang pangulo ng "Kapisanan Nang Mga Propesor Sa Pilipino. Siya ay isa sa mga may akda ng “Balarila ng wikang pambansa 1-4”, “Panitikan sa mataas na paaralan 1-4”.
II.       Uri ng Panitikan
Ang “Ito na Pala Iyon” ay isang sikat na dulang pangkomedya.
III.      Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang pagkakaiba ng mga ugali at kultura nag tao. Gusto rin maipahayag ang mga ugali ng mga Pilipino tungkol sa pagtangkilik sa mga produkto at kaugalian ng dayuhan.
IV.         Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa kaugalian ng mga tao na naapektuhan ng komersyalismo at dayuhan. Pati na rin ang hindi nakukontento sa mga bagay na mayroon na tayo.
V.        Mga Tauhan sa Akda
-       Claro (Clary) –  Galing sa Maynila na asawa ni Berto
-       Alberto (Berto) – probinsyano at mahirap lamang at may mga anak na.

VI.     Tagpuan/ Panahon
-       Probinsya

VII.       Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       Nagpapakita ng kultura ng bansa sa isang nakakaaliw na bansa. Maganda ang paraan na ginamit ng may akda dahil naipakita niya ang mga ugali at sitwasyon ng Pilipinas sa akda. Malinaw na mapapansin ang agwat ng lipunan at ang kanilang panananaw sa buhay. Naging maganda ang daloy ng kuwento dahil matatawa ka habang naiinis kay Clary. Ang wakas naman nito ay nakakabitin dahil tila may kulang pang eksena. Ngunit ang isa pa rin itong maganda at nakakaaliw na dula.


VIII.     Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-       Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Sumasakop dito ang kaugalian ng Pilipino sa pag-angkop ng kanluraning kultura. Simpleng halimbawa ay ang pangalan ni Claro na iniba niya na at nanging Clary. Naipakita dina ang agwat ng lipunan, dahil sa mga bagay na kinasanayan ng isang mahirap. Malalaman din dito ang payak na pamumuhay sa probinsya,

IX.         Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging kawili-wili ito at nagawa ng may akda na gawin itong mas nababagay sa mga estudyante. Mayroon siyang mga ginamit na salita tulad ng “Oh my God”, na nakakragdag sa aliw at gaan sa pagbabasa nito. Naging epektibo ang mga salitang ginamit pati na rin ang narasyon.

X.            Buod
-       Si Clary ay may kaya sa buhay na nagpaksal kay Berto na probinsyano. Lingid sa kanyang kaalaman, ang paraiso palang sinasabi ng asawa ay ang pagtira nila sa probinsya. Tila isa itong malaking pasakit kay Clary dahil hindi siya sanay sa ganitong buhay. Nariyan ang walang kuryente, tubig na sinasalok pa sa malayo, walang kwarto at iba pa. Ngunit hindi lamang iyon ang malalaman niya tungkol sa asawa. Mayroon na itong mga anak. Dahil doon ay umalis si Clary at doon na lamang daw siya maliligo at magbibihis.


Sa Pula, Sa Puti ni Soc Rodrigo


Pagsusuri sa Akdang
“Sa Pula, Sa Puti”
ni Fransisco “Soc”  Rodrigo

             I.        Pagkilala sa may Akda.
-              Si Francisco “Soc” Rodrigo ay ipinanganak sa Bulacan noong  Enero 29, 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero 4,1998 dahil sa kanser. Siya ay isa rin ay nanalong senador ng dalawang termino sa magkaibang administrasyon. Isa ring kolumnista sa pahayagang ng Malaya at Philippine Star. Naging mamahayag sa telebisyon sa ABS-CBN para sa “Mga Kuro-kuro ni Soc Rodrigo”  .Kilala din na isang kritiko ng politika at isyu ng sosyo-ekonomikal.
         II.          Uri ng Panitikan
Ang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang sikat na dulang pangkomedya.
          III.        Layunin ng may Akda
-               Ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang dula na nagmumulat sa atin sa mga isyu ng lipunan. Tulad ng pag-asa sa swerte para magkapera at ang pagkalulong sa sugal.

         IV.        Tema o Paksa ng May-akda
-               Isang magandang pagpapakita ng mga isyu ng lipunan partikular sa ugali ng pag-asa ng karamihan sa swerte. Napapanahon din ito dahil marami pa rin hanggang ngaun ang lulong sa sugal ngunit hindi nakikita ang msamang epekto nito.
          V.          Mga Tauhan sa Akda.
-               Kulas – isang mananabong
-               Ceiling – asawa ni Kulas
-               Teban – kaibigan ni Kulas
-               Sioning – kaibigan ni Ceiling

           VI.      Tagpuan/ Panahon
-               Sa isang probinsya
           VII.    Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-               Pagpapakita ng kulturang Pilipino ay naisulat sa nakakaaliw na paraan. Mula pa lamang ng akda ay makikita mo ang gusting iparating ng manunulat.Isa rito ang paniniwala ni Kulas sa swerte dahil mahilig siyang tumaya sa sabong. Maganda rin ang dalow at pagkakarugtong ng pangayayari sa akda. Hindi mo rin agad-agad malalaman ang mga mangyayari na magdudulot ng aliw sa pagbabasa nito. Lalo na ang wakas nito ng natalo silang dalawang mag-asawa sa sabong na simple nagpapaliwanag na walang magandang naiidulot ang pagsusugal.


             VIII.        Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-               Maraming nakapaloob na kaisipan sa akdang ito. Tulad ng paniniwala ng mga Pilipino sa swerte na nakakasama minsan, sapagkat tila tumatakbo na rito ang buhay nila. Karagdagan pa ay ang bisyo sa sugal na nakakasama rin. Tulad sa akda na ang sugal ay puno ng kasinungalingan at pandaraya. Dahil dito ay masasabing wala talagang nanalo sa sugal. Si Ceiling naman ay nagpatotoo sa kasabihan na “Kung hindi mo sila matalo, subukan mong sa kanila’y makihalo”, sapagkat tumaya rin siya sa sabong upang maibalika ng kinuha ni Kulas sa kanya. Ngunit tumaya naman siya sa kalaban  ni Kulas. Isang magandang paghahatid ng mensahe na walang nanalong totoo kung nakuha mo lang ito sa daya.

                   IX.        Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-                Isang  magandang pagpapahiwatig ang ginamit ng may akda sapagkat ginawa niya itong nakakaaliw at hindi naging mabigat ang tema. Maganda rin ang pagkakatagpi-tagpi ng mga pangayayri na magdudulot ng patuloy pang pagbabasa. Pormal ang mga salitang ginamit, ngunit ito ay simple na maiintidihan ninoman.
                      X.    Buod
-                Maaga pa lamang ay nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni Kulas kay Ceiling ng pera upang ipangtaya sa sabong. Ngunit kahit ganun ay nakataya pa din siya at pinangako sa asawa na pagnatalo siya ay papatayin na ang mga manok niya. Si Teban naman na kaibigan niya ay tinuruan na gawing pilay ang manok at tumaya ng doble sa kalaban. Samantalang si Ceiling din naman ay tumaya din sa kalaban upang makasiguro na babalik din ang pera pinangtaya nila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok ni Kulas at kahit ganoon ay wala siyan naiuwing pera. Kaya pagkauwi niya sa bahay ay magiging tinola na ang manok niya.