YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES

Miyerkules, Enero 22, 2014

Moses, Moses : Suring Trahedya

Pagsusuri sa Akdang
“Moses, Moses”
ni Rogelio Sikat
 I.       Pagkilala sa may Akda
-Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, attagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro,Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
II.       Uri ng Panitikan
Ang “Moses, Moses” ay isang sikat na dulang trahedya.
III.      Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama rin ang kabuktutan ng pamahalaan kasama na rinang mga opisyal nito. Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi dapat takasan.
IV.         Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga karimlan ng pamahalaan at ang mga opisyal nito. Naglalayon din na maipakita ang hirap sa mga problema. Ang suliranin laban sa sarili , lipunan at mga kapwa.
V.        Mga Tauhan sa Akda
-       Regina Calderon - 48, balo, isang maestro
-       Tony  -panganay niyang anak, estudyante
-       Aida  - anak niyang babae, estudyante
-       Ben - 16, bunso, estudyante
-       Ana -  46, matandang dalaga, kapatid ni Regina
-       Ang Alkalde
-       Ang Konsehal

VI.         Tagpuan/ Panahon
-     Isang “Middle Class” na komunidad sa Rizal ; 1950’s
VII.       Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       nagpapakita ng sistema ng pamahalaan sa ating bansa. Ang paghihirap ng mga taong na nabibiktima ng gaintong gawain . Kasama rin ang paghihiganti ng mga nasaktan at pagtatakip ng mga tao sa ganitong gawain. Paulit-ulit na mangyayari ito kung patuloy ang paghihiganti at galit ang papairalin natin.
VIII.     Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-      Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa usapin ng pulitika sa ating bansa. Mga karahasan sa ating bansa at pati na rin ang paghihiganti ng mga taong nabiktima ng pangyayaring ito . Sumasalamin din ito sa mga desisyon na nagagawa natin kung puno ng galit ang ating mga puso. Karaniwan nakakagawa tayo ng maling desisyon na magpapalala pa sa sitwasyon
IX.         Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan. Naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito. Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.
X.          Buod

Napabalita na pinagsasamantalahan ng anak ng alkalde si Aida na anak ni Regina. Humingi ng tawad ang alkalde at hiniling na iurong ang kaso isinampa ng pamilya, tumanggi sila dito. Nanaig din kay Tony na ipaglaban ang kaso dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang ama.Lalo silang nabahala dahil patuloy na pakikipagrelasyon ni Aida sa anak ng alkalde, kailangan niya na ren ng “tranquilizer” upang mapakalma siya. Isang araw nga ay nanaginip siya na si Tony ay pilit na pinapainom ng lason ang anak ng alkalde. Ilang sandal lang ay nabalitaan nila na pinatay ni Tony ang binata. Hinabol siya ng mga pulis , inagaw naman ni Regina ang baril mula sa anak. Tinutukan si Tony ng mga pulis pero hinarangan ito ng ina ngunit biglang inagaw ng anak ang baril.Nguni hindi sinasadya na mabaril ni Regina ang mismong anak niya at nahuli ito ng mga pulis.

27 komento:

  1. Bakit po Moses moses ang title nito? ☺

    TumugonBurahin
  2. Bakit ba ikaw ang naiisip ko at dina mawalawala pa? Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal ng iba.

    TumugonBurahin
  3. Nao ang mga kultura na nakapaloob sa storya?

    TumugonBurahin
  4. Ano po ang pagpapahalagang moral nito?

    TumugonBurahin
  5. Ano po ba ang pagpapahalagang moral at pagpapahalagang panlipunan nito?

    TumugonBurahin
  6. Ano Ang aral na mapupulot mo ditoy

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. That is, wag ilagay sa kamay ang batas. Hindi ikaw ang magdidikta ng buhay ng isang tao.. kahit galit ka or ano man wag mong hayaan na kainin ka ng galit mo.

      Burahin
  7. Anong mga bisa ang napapaloob sa dula?

    TumugonBurahin
  8. Ano ang iyong pilosopiya sa buhay na malilikha batay sa akda?

    TumugonBurahin
  9. Ano ang iyong komento sa kabuoan ng akda?

    TumugonBurahin