Pagsusuri
sa Akdang
“Ang Singsing
ni Juan P. Amodia
I.
Pagkilala sa may Akda
-Walang naitalang impormasyon sa may akda.
II. Uri
ng Panitikan
Ang akdang “Ang
Singsing” ay dula na melodrama
III. Layunin ng may Akda
- Ibig nito mapakita ang buhay na kung saan ay
hahamakin ang lahat para makuha lamang ang gusto.Pati na rin ang pagiging
mayabang na magdudulot sa atin sa pahamak
IV.
Tema o Paksa ng May-akda
- Nagmumulat
sa isyu ng lipunan ukol pagiging
mayabang sa tuwing nakakatamasa ng ginhawa sa buhay at ang hindi pagiging mapagbigay sa kapwa.
V.
Mga Tauhan sa Akda
-
Sarah
-
Matandang Lalaki
VI.
Tagpuan/ Panahon
-
Isang parke
VII.
Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
- nagpapakita
ng paghamak sa kahit ano upang makuha lamang ang ginusto-gusto natin. Ngunit sa
oras na makuha ay ipingdadamot pero
pinagyayabang naman ito.
VIII.
Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-
Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at
kalagayan ng lipunan natin ito. Paghamak sa kahit ano pa man upang may
maipagyabang lamang. Ang pagiging maramot sa kahit may natatamasa na
kaginhawaan sa buhay.
IX.
Istilo
ng Pagkakasulat ng Akda
- Naging
epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan
sa lipunan. Hindi naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika
nito. Simple lamang ang ang ilang mga salita na ginamit sa akda.
X.
Buod
- Si
Sarah ay isang batang mabait, kaya naman sa ika-anim na kaarawan niya ay marami
siya natanggap na regalo. Ang pinaka nagustuhan niya ang singsing na bigay ng
kanyang tiyuhin. Dali-dali siyang nagpaalam sa ama na pupunta siya parke. Ang
hindi alam ng ama ay ipagyayabang lamang niya ang singsing sa mga kalaro.
Manghang-mangha naman ang mga kalaro sa singsing. Sa pag-wui niya ay may
naksalubong siyang matanda, sinabi na maari bang maisukat ang singsing. Pagkasukat
ay hindi na maalis rito ang singsing. Natakit si Sarah kaya hindi na niya ito
nakuha. Pagbalik niya sa parke ay nagkakagulo sila sa matandang lalaki, natakot
siya dahil nasa daliri pa rin nito ang singsing. Pero pursigido siya na makuha
ang singsing. Pinuntahan niya ang matanda sa sementeryo. Pilit niya kinuha ang
singsing, hanggang sa kinagat niya ang daliri ng matanda para lang makuha ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento