YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na complete short story. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na complete short story. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Abril 25, 2015

Ang Singsing ( by Juan Amodia )

Pagsusuri sa Akdang
“Ang Singsing
ni Juan P. Amodia
 I.       Pagkilala sa may Akda
-Walang naitalang impormasyon sa may akda.
II.       Uri ng Panitikan
Ang akdang “Ang  Singsing” ay  dula na melodrama
III.      Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang buhay na kung saan ay hahamakin ang lahat para makuha lamang ang gusto.Pati na rin ang pagiging mayabang na magdudulot sa atin sa pahamak
IV.         Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol  pagiging mayabang sa tuwing nakakatamasa ng ginhawa sa buhay  at ang hindi pagiging mapagbigay sa kapwa.
V.        Mga Tauhan sa Akda
-       Sarah
-       Matandang Lalaki
VI.         Tagpuan/ Panahon
-     Isang parke
VII.       Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       nagpapakita ng paghamak sa kahit ano upang makuha lamang ang ginusto-gusto natin. Ngunit sa oras na makuha ay  ipingdadamot pero pinagyayabang naman ito.
VIII.     Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-      Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Paghamak sa kahit ano pa man upang may maipagyabang lamang. Ang pagiging maramot sa kahit may natatamasa na kaginhawaan sa buhay.
IX.         Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan. Hindi naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito. Simple lamang ang ang ilang mga salita na ginamit sa akda.

X.          Buod

-       Si Sarah ay isang batang mabait, kaya naman sa ika-anim na kaarawan niya ay marami siya natanggap na regalo. Ang pinaka nagustuhan niya ang singsing na bigay ng kanyang tiyuhin. Dali-dali siyang nagpaalam sa ama na pupunta siya parke. Ang hindi alam ng ama ay ipagyayabang lamang niya ang singsing sa mga kalaro. Manghang-mangha naman ang mga kalaro sa singsing. Sa pag-wui niya ay may naksalubong siyang matanda, sinabi na maari bang maisukat ang singsing. Pagkasukat ay hindi na maalis rito ang singsing. Natakit si Sarah kaya hindi na niya ito nakuha. Pagbalik niya sa parke ay nagkakagulo sila sa matandang lalaki, natakot siya dahil nasa daliri pa rin nito ang singsing. Pero pursigido siya na makuha ang singsing. Pinuntahan niya ang matanda sa sementeryo. Pilit niya kinuha ang singsing, hanggang sa kinagat niya ang daliri ng matanda para lang makuha ito. 

Sabado, Oktubre 5, 2013

Sa Pula, Sa Puti ni Soc Rodrigo


Pagsusuri sa Akdang
“Sa Pula, Sa Puti”
ni Fransisco “Soc”  Rodrigo

             I.        Pagkilala sa may Akda.
-              Si Francisco “Soc” Rodrigo ay ipinanganak sa Bulacan noong  Enero 29, 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero 4,1998 dahil sa kanser. Siya ay isa rin ay nanalong senador ng dalawang termino sa magkaibang administrasyon. Isa ring kolumnista sa pahayagang ng Malaya at Philippine Star. Naging mamahayag sa telebisyon sa ABS-CBN para sa “Mga Kuro-kuro ni Soc Rodrigo”  .Kilala din na isang kritiko ng politika at isyu ng sosyo-ekonomikal.
         II.          Uri ng Panitikan
Ang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang sikat na dulang pangkomedya.
          III.        Layunin ng may Akda
-               Ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang dula na nagmumulat sa atin sa mga isyu ng lipunan. Tulad ng pag-asa sa swerte para magkapera at ang pagkalulong sa sugal.

         IV.        Tema o Paksa ng May-akda
-               Isang magandang pagpapakita ng mga isyu ng lipunan partikular sa ugali ng pag-asa ng karamihan sa swerte. Napapanahon din ito dahil marami pa rin hanggang ngaun ang lulong sa sugal ngunit hindi nakikita ang msamang epekto nito.
          V.          Mga Tauhan sa Akda.
-               Kulas – isang mananabong
-               Ceiling – asawa ni Kulas
-               Teban – kaibigan ni Kulas
-               Sioning – kaibigan ni Ceiling

           VI.      Tagpuan/ Panahon
-               Sa isang probinsya
           VII.    Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-               Pagpapakita ng kulturang Pilipino ay naisulat sa nakakaaliw na paraan. Mula pa lamang ng akda ay makikita mo ang gusting iparating ng manunulat.Isa rito ang paniniwala ni Kulas sa swerte dahil mahilig siyang tumaya sa sabong. Maganda rin ang dalow at pagkakarugtong ng pangayayari sa akda. Hindi mo rin agad-agad malalaman ang mga mangyayari na magdudulot ng aliw sa pagbabasa nito. Lalo na ang wakas nito ng natalo silang dalawang mag-asawa sa sabong na simple nagpapaliwanag na walang magandang naiidulot ang pagsusugal.


             VIII.        Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-               Maraming nakapaloob na kaisipan sa akdang ito. Tulad ng paniniwala ng mga Pilipino sa swerte na nakakasama minsan, sapagkat tila tumatakbo na rito ang buhay nila. Karagdagan pa ay ang bisyo sa sugal na nakakasama rin. Tulad sa akda na ang sugal ay puno ng kasinungalingan at pandaraya. Dahil dito ay masasabing wala talagang nanalo sa sugal. Si Ceiling naman ay nagpatotoo sa kasabihan na “Kung hindi mo sila matalo, subukan mong sa kanila’y makihalo”, sapagkat tumaya rin siya sa sabong upang maibalika ng kinuha ni Kulas sa kanya. Ngunit tumaya naman siya sa kalaban  ni Kulas. Isang magandang paghahatid ng mensahe na walang nanalong totoo kung nakuha mo lang ito sa daya.

                   IX.        Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-                Isang  magandang pagpapahiwatig ang ginamit ng may akda sapagkat ginawa niya itong nakakaaliw at hindi naging mabigat ang tema. Maganda rin ang pagkakatagpi-tagpi ng mga pangayayri na magdudulot ng patuloy pang pagbabasa. Pormal ang mga salitang ginamit, ngunit ito ay simple na maiintidihan ninoman.
                      X.    Buod
-                Maaga pa lamang ay nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni Kulas kay Ceiling ng pera upang ipangtaya sa sabong. Ngunit kahit ganun ay nakataya pa din siya at pinangako sa asawa na pagnatalo siya ay papatayin na ang mga manok niya. Si Teban naman na kaibigan niya ay tinuruan na gawing pilay ang manok at tumaya ng doble sa kalaban. Samantalang si Ceiling din naman ay tumaya din sa kalaban upang makasiguro na babalik din ang pera pinangtaya nila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok ni Kulas at kahit ganoon ay wala siyan naiuwing pera. Kaya pagkauwi niya sa bahay ay magiging tinola na ang manok niya.