YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES

Sabado, Oktubre 5, 2013

Sa Pula, Sa Puti ni Soc Rodrigo


Pagsusuri sa Akdang
Sa Pula, Sa Puti”
ni Fransisco “Soc”  Rodrigo

             I.        Pagkilala sa may Akda.
-              Si Francisco “Soc” Rodrigo ay ipinanganak sa Bulacan noong  Enero 29, 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero 4,1998 dahil sa kanser. Siya ay isa rin ay nanalong senador ng dalawang termino sa magkaibang administrasyon. Isa ring kolumnista sa pahayagang ng Malaya at Philippine Star. Naging mamahayag sa telebisyon sa ABS-CBN para sa “Mga Kuro-kuro ni Soc Rodrigo”  .Kilala din na isang kritiko ng politika at isyu ng sosyo-ekonomikal.
         II.          Uri ng Panitikan
Ang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang sikat na dulang pangkomedya.
          III.        Layunin ng may Akda
-               Ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang dula na nagmumulat sa atin sa mga isyu ng lipunan. Tulad ng pag-asa sa swerte para magkapera at ang pagkalulong sa sugal.

         IV.        Tema o Paksa ng May-akda
-               Isang magandang pagpapakita ng mga isyu ng lipunan partikular sa ugali ng pag-asa ng karamihan sa swerte. Napapanahon din ito dahil marami pa rin hanggang ngaun ang lulong sa sugal ngunit hindi nakikita ang msamang epekto nito.
          V.          Mga Tauhan sa Akda.
-               Kulas – isang mananabong
-               Ceiling – asawa ni Kulas
-               Teban – kaibigan ni Kulas
-               Sioning – kaibigan ni Ceiling

           VI.      Tagpuan/ Panahon
-               Sa isang probinsya
           VII.    Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-               Pagpapakita ng kulturang Pilipino ay naisulat sa nakakaaliw na paraan. Mula pa lamang ng akda ay makikita mo ang gusting iparating ng manunulat.Isa rito ang paniniwala ni Kulas sa swerte dahil mahilig siyang tumaya sa sabong. Maganda rin ang dalow at pagkakarugtong ng pangayayari sa akda. Hindi mo rin agad-agad malalaman ang mga mangyayari na magdudulot ng aliw sa pagbabasa nito. Lalo na ang wakas nito ng natalo silang dalawang mag-asawa sa sabong na simple nagpapaliwanag na walang magandang naiidulot ang pagsusugal.


             VIII.        Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-               Maraming nakapaloob na kaisipan sa akdang ito. Tulad ng paniniwala ng mga Pilipino sa swerte na nakakasama minsan, sapagkat tila tumatakbo na rito ang buhay nila. Karagdagan pa ay ang bisyo sa sugal na nakakasama rin. Tulad sa akda na ang sugal ay puno ng kasinungalingan at pandaraya. Dahil dito ay masasabing wala talagang nanalo sa sugal. Si Ceiling naman ay nagpatotoo sa kasabihan na “Kung hindi mo sila matalo, subukan mong sa kanila’y makihalo”, sapagkat tumaya rin siya sa sabong upang maibalika ng kinuha ni Kulas sa kanya. Ngunit tumaya naman siya sa kalaban  ni Kulas. Isang magandang paghahatid ng mensahe na walang nanalong totoo kung nakuha mo lang ito sa daya.

                   IX.        Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-                Isang  magandang pagpapahiwatig ang ginamit ng may akda sapagkat ginawa niya itong nakakaaliw at hindi naging mabigat ang tema. Maganda rin ang pagkakatagpi-tagpi ng mga pangayayri na magdudulot ng patuloy pang pagbabasa. Pormal ang mga salitang ginamit, ngunit ito ay simple na maiintidihan ninoman.
                      X.    Buod
-                Maaga pa lamang ay nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni Kulas kay Ceiling ng pera upang ipangtaya sa sabong. Ngunit kahit ganun ay nakataya pa din siya at pinangako sa asawa na pagnatalo siya ay papatayin na ang mga manok niya. Si Teban naman na kaibigan niya ay tinuruan na gawing pilay ang manok at tumaya ng doble sa kalaban. Samantalang si Ceiling din naman ay tumaya din sa kalaban upang makasiguro na babalik din ang pera pinangtaya nila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok ni Kulas at kahit ganoon ay wala siyan naiuwing pera. Kaya pagkauwi niya sa bahay ay magiging tinola na ang manok niya.



34 (na) komento:

  1. Thank you sa assignment na 'to. Nakatulong siya! :*

    TumugonBurahin
  2. Kailan po nilimbag yung sa pula sa puti?

    TumugonBurahin
  3. Anong istilo ang ginamit sa pagsulat ng akda?

    TumugonBurahin
  4. Actually teban is the housemaid of celing and kulas, not kulas' friend. There is also Castor, who is kulas' friend.

    TumugonBurahin
  5. Salamat nakagawa ako ng assignment makakapagpasa na ku

    TumugonBurahin
  6. Salamat dahil nakagawa akong assignment

    TumugonBurahin
  7. Hi, ano po ang kalagayang panlipunan ng maisulat ang akdang ito? Thanks po. <3

    TumugonBurahin
  8. anong Piling pangyayaring nagpapakita ng katotohanan sa dula?

    TumugonBurahin
  9. Dito lang pla kinuha ng teacher ko lesson nya nyawit

    TumugonBurahin
  10. Paano ipunakita ang tunggalian sa dula?

    TumugonBurahin
  11. Basahin at suriin Ang dulang "sa pula,sa puti" ni Francisco "soc" A. Rodrigo

    TumugonBurahin
  12. 2017 ford fusion hybrid titanium - TITaniumArts
    2017 titanium crystal Ford sunscreen with zinc oxide and titanium dioxide Fusion damascus titanium Fusion. With the help of the TITaniumArts we now produce a unique blend of titanium titanium rod steel with the very best in titanium trim hair cutter premium

    TumugonBurahin