Pagsusuri
sa Akdang
“Moses, Moses”
ni Rogelio Sikat
I.
Pagkilala sa may Akda
-Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio SÃcat) (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, attagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao
Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San
Isidro,Nueva Ecija, Pilipinas.
Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may
Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan
ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad
ng Pilipinas.
II. Uri
ng Panitikan
Ang “Moses, Moses” ay isang sikat na dulang
trahedya.
III. Layunin ng may Akda
- Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan
tungkol sa lipunan. Kasama rin ang kabuktutan ng pamahalaan kasama na rinang
mga opisyal nito. Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi dapat
takasan.
IV.
Tema o Paksa ng May-akda
- Nagmumulat
sa isyu ng lipunan ukol sa mga karimlan ng pamahalaan at ang mga opisyal nito. Naglalayon
din na maipakita ang hirap sa mga problema. Ang suliranin laban sa sarili ,
lipunan at mga kapwa.
V.
Mga Tauhan sa Akda
-
Regina Calderon - 48, balo, isang maestro
-
Tony -panganay niyang
anak, estudyante
-
Aida - anak niyang babae,
estudyante
-
Ben - 16, bunso, estudyante
-
Ana - 46, matandang
dalaga, kapatid ni Regina
-
Ang Alkalde
-
Ang Konsehal
VI.
Tagpuan/ Panahon
-
Isang
“Middle Class” na komunidad sa Rizal ; 1950’s
VII.
Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
- nagpapakita
ng sistema ng pamahalaan sa ating bansa. Ang paghihirap ng mga taong na
nabibiktima ng gaintong gawain . Kasama rin ang paghihiganti ng mga nasaktan at
pagtatakip ng mga tao sa ganitong gawain. Paulit-ulit na mangyayari ito kung
patuloy ang paghihiganti at galit ang papairalin natin.
VIII.
Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-
Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at
kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa usapin ng pulitika sa ating bansa.
Mga karahasan sa ating bansa at pati na rin ang paghihiganti ng mga taong
nabiktima ng pangyayaring ito . Sumasalamin din ito sa mga desisyon na nagagawa
natin kung puno ng galit ang ating mga puso. Karaniwan nakakagawa tayo ng
maling desisyon na magpapalala pa sa sitwasyon
IX.
Istilo
ng Pagkakasulat ng Akda
- Naging
epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan
sa lipunan. Naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito.
Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.
X.
Buod
Napabalita
na pinagsasamantalahan ng anak ng alkalde si Aida na anak ni Regina. Humingi ng
tawad ang alkalde at hiniling na iurong ang kaso isinampa ng pamilya, tumanggi
sila dito. Nanaig din kay Tony na ipaglaban ang kaso dahil na rin sa pagkamatay
ng kanyang ama.Lalo silang nabahala dahil patuloy na pakikipagrelasyon ni Aida
sa anak ng alkalde, kailangan niya na ren ng “tranquilizer” upang mapakalma
siya. Isang araw nga ay nanaginip siya na si Tony ay pilit na pinapainom ng
lason ang anak ng alkalde. Ilang sandal lang ay nabalitaan nila na pinatay ni
Tony ang binata. Hinabol siya ng mga pulis , inagaw naman ni Regina ang baril
mula sa anak. Tinutukan si Tony ng mga pulis pero hinarangan ito ng ina ngunit
biglang inagaw ng anak ang baril.Nguni hindi sinasadya na mabaril ni Regina ang
mismong anak niya at nahuli ito ng mga pulis.