YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES

Sabado, Oktubre 5, 2013

Ito Pala Inyo ni Federico Sebastion

Pagsusuri sa Akdang
“Ito na Pala Inyo”
ni Federico Sebastian

I.        Pagkilala sa may Akda
-Si Federico B. Sebastian ay ang unang pangulo ng "Kapisanan Nang Mga Propesor Sa Pilipino. Siya ay isa sa mga may akda ng “Balarila ng wikang pambansa 1-4”, “Panitikan sa mataas na paaralan 1-4”.
II.       Uri ng Panitikan
Ang “Ito na Pala Iyon” ay isang sikat na dulang pangkomedya.
III.      Layunin ng may Akda
-       Ibig nito mapakita ang pagkakaiba ng mga ugali at kultura nag tao. Gusto rin maipahayag ang mga ugali ng mga Pilipino tungkol sa pagtangkilik sa mga produkto at kaugalian ng dayuhan.
IV.         Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa kaugalian ng mga tao na naapektuhan ng komersyalismo at dayuhan. Pati na rin ang hindi nakukontento sa mga bagay na mayroon na tayo.
V.        Mga Tauhan sa Akda
-       Claro (Clary) –  Galing sa Maynila na asawa ni Berto
-       Alberto (Berto) – probinsyano at mahirap lamang at may mga anak na.

VI.     Tagpuan/ Panahon
-       Probinsya

VII.       Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       Nagpapakita ng kultura ng bansa sa isang nakakaaliw na bansa. Maganda ang paraan na ginamit ng may akda dahil naipakita niya ang mga ugali at sitwasyon ng Pilipinas sa akda. Malinaw na mapapansin ang agwat ng lipunan at ang kanilang panananaw sa buhay. Naging maganda ang daloy ng kuwento dahil matatawa ka habang naiinis kay Clary. Ang wakas naman nito ay nakakabitin dahil tila may kulang pang eksena. Ngunit ang isa pa rin itong maganda at nakakaaliw na dula.


VIII.     Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-       Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Sumasakop dito ang kaugalian ng Pilipino sa pag-angkop ng kanluraning kultura. Simpleng halimbawa ay ang pangalan ni Claro na iniba niya na at nanging Clary. Naipakita dina ang agwat ng lipunan, dahil sa mga bagay na kinasanayan ng isang mahirap. Malalaman din dito ang payak na pamumuhay sa probinsya,

IX.         Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging kawili-wili ito at nagawa ng may akda na gawin itong mas nababagay sa mga estudyante. Mayroon siyang mga ginamit na salita tulad ng “Oh my God”, na nakakragdag sa aliw at gaan sa pagbabasa nito. Naging epektibo ang mga salitang ginamit pati na rin ang narasyon.

X.            Buod
-       Si Clary ay may kaya sa buhay na nagpaksal kay Berto na probinsyano. Lingid sa kanyang kaalaman, ang paraiso palang sinasabi ng asawa ay ang pagtira nila sa probinsya. Tila isa itong malaking pasakit kay Clary dahil hindi siya sanay sa ganitong buhay. Nariyan ang walang kuryente, tubig na sinasalok pa sa malayo, walang kwarto at iba pa. Ngunit hindi lamang iyon ang malalaman niya tungkol sa asawa. Mayroon na itong mga anak. Dahil doon ay umalis si Clary at doon na lamang daw siya maliligo at magbibihis.


27 komento:

  1. Pakisagot mga IDol
    3. Bakit nagalit si Clary sa kaniyang asawa?
    4. Sa inyong hinuha batay sa binásang akda ano ang inaasahang buhay ni Clary sa píling ni Bert?
    5. Sa anong uri ng búhay nasanay si Clary kung kaya’t hindi niya alam ang buhay probinsiya?
    6. Ano ang nagbunsod kay Bert upang hindi sabihin ang kaniyang totoong antas ng búhay kay Clary?

    TumugonBurahin
  2. May kaparehas po bang ganyang dulang pangtanghalan??

    TumugonBurahin
  3. Ano po ang paksa need na po ngayon

    TumugonBurahin
  4. Anong katulad na kwento ng "Dito pala ang inyo"?

    TumugonBurahin
  5. Pano nagkakilala si clarita at alberto?

    TumugonBurahin
  6. Ano po ba ang katutubing kaugalian sa dula na iyan?

    TumugonBurahin
  7. ano po ang bisa sa isip ,bisa sa damdamin,bisang pangkaasalan ng dula?

    TumugonBurahin
  8. Ilarawan ang mga tauhan sa pamamamaraanng paglutas nila sa suliranin

    Answer it pls. 😔

    TumugonBurahin
  9. Describe the staff in the way they solve the problem

    Answer it pls. 😔

    TumugonBurahin
  10. Saan makakakita ng biography ni federico b. sebastian?

    TumugonBurahin
  11. Paano tinaggap ni clarita ang buhay bert sa probinsya?

    TumugonBurahin
  12. Bakit hindi nakita ni Clarita ang totoo buhay ni bert noong nililigawan palamang sya?

    TumugonBurahin