Pagsusuri
sa Akdang
“Ito na Pala Inyo”
ni Federico Sebastian
I. Pagkilala sa may Akda
-Si Federico B. Sebastian ay
ang unang pangulo ng "Kapisanan Nang Mga Propesor Sa Pilipino. Siya ay isa
sa mga may akda ng “Balarila ng wikang pambansa 1-4”, “Panitikan sa mataas na
paaralan 1-4”.
II. Uri
ng Panitikan
Ang “Ito na Pala Iyon” ay isang sikat na dulang
pangkomedya.
III. Layunin ng may Akda
- Ibig nito mapakita ang pagkakaiba ng mga ugali at
kultura nag tao. Gusto rin maipahayag ang mga ugali ng mga Pilipino tungkol sa
pagtangkilik sa mga produkto at kaugalian ng dayuhan.
IV.
Tema o Paksa ng May-akda
- Nagmumulat
sa isyu ng lipunan ukol sa kaugalian ng mga tao na naapektuhan ng komersyalismo
at dayuhan. Pati na rin ang hindi nakukontento sa mga bagay na mayroon na tayo.
V.
Mga Tauhan sa Akda
- Claro
(Clary) – Galing sa Maynila na asawa ni
Berto
- Alberto
(Berto) – probinsyano at mahirap lamang at may mga anak na.
VI. Tagpuan/
Panahon
- Probinsya
VII.
Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
- Nagpapakita
ng kultura ng bansa sa isang nakakaaliw na bansa. Maganda ang paraan na ginamit
ng may akda dahil naipakita niya ang mga ugali at sitwasyon ng Pilipinas sa
akda. Malinaw na mapapansin ang agwat ng lipunan at ang kanilang panananaw sa
buhay. Naging maganda ang daloy ng kuwento dahil matatawa ka habang naiinis kay
Clary. Ang wakas naman nito ay nakakabitin dahil tila may kulang pang eksena.
Ngunit ang isa pa rin itong maganda at nakakaaliw na dula.
VIII.
Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
- Nagtataglay
ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Sumasakop dito
ang kaugalian ng Pilipino sa pag-angkop ng kanluraning kultura. Simpleng
halimbawa ay ang pangalan ni Claro na iniba niya na at nanging Clary. Naipakita
dina ang agwat ng lipunan, dahil sa mga bagay na kinasanayan ng isang mahirap.
Malalaman din dito ang payak na pamumuhay sa probinsya,
IX.
Istilo
ng Pagkakasulat ng Akda
- Naging
kawili-wili ito at nagawa ng may akda na gawin itong mas nababagay sa mga
estudyante. Mayroon siyang mga ginamit na salita tulad ng “Oh my God”, na
nakakragdag sa aliw at gaan sa pagbabasa nito. Naging epektibo ang mga salitang
ginamit pati na rin ang narasyon.
X.
Buod
- Si
Clary ay may kaya sa buhay na nagpaksal kay Berto na probinsyano. Lingid sa
kanyang kaalaman, ang paraiso palang sinasabi ng asawa ay ang pagtira nila sa
probinsya. Tila isa itong malaking pasakit kay Clary dahil hindi siya sanay sa
ganitong buhay. Nariyan ang walang kuryente, tubig na sinasalok pa sa malayo,
walang kwarto at iba pa. Ngunit hindi lamang iyon ang malalaman niya tungkol sa
asawa. Mayroon na itong mga anak. Dahil doon ay umalis si Clary at doon na lamang
daw siya maliligo at magbibihis.