YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES

Sabado, Abril 25, 2015

Ang Angel ( by Noel de Leon)

Pagsusuri sa Akdang
“Anghel”
ni Noel de Leon


 I.       Pagkilala sa may Akda
-  Si Noel de Leon ay isang Pilipinong manunulat na sikat din na “blogger” at panulat ng mga iskript.
II.         Uri ng Panitikan
-          Ang “Anghel” ay isang sikat na dulang trahedya.
III.        Layunin ng may Akda
-          Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama rito ang pagkalat ng illegal na mga gawain at mga taong nasisira ang buhay dahil sa mga gawaing ito.
IV.          Tema o Paksa ng May-akda
-          Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga kahirapan ng atin bansa. Ang mga tao na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at ang pagbabago ng isang tao upang maitama na niya ang kanyang pagkakamali.
V.         Mga Tauhan sa Akda
-       Salvador Catacutan (Badong) – isang basagulero
-       Tikboy- ang alalay ni Badong
-       Goryong Gwapo – mahigpit na kaaway niya sa kanilang lugar
VI.          Tagpuan/ Panahon
-     isang pamayanan
VII.         Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       nagpapakita ng pakikibaka ng mga tao  upang takasan ang kahirapan. Ang mga pagkakamali katulad ng aggamit ng bawal na gamot at panloloko sa ibang tao para lamang makaluwag sa buhay
VIII.       Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-       Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa kahirapan ng bansa. Makikita rin ang mga desiyon natin na sa tingin natin ay makakapag-angat sa estado ng buhay natin. Tulad na lamang sa kanila kung saan ay ang pagbebenta nila ng bawal na gamot at panloloko sa mga tao na hindi dapat ginagawa alang –alang sa pera.
IX.          Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan. Naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito. Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.

X.            Buod
.- Si Salvador Catacutan o mas kilala na “Badong Buldozer” , isang ulilla sa ina at ang ama naman ay pinabayaan na siya. Kasama niya sa buhay ay si Tikboy na hinahangan siya a mga diskarte sa buhay.Sa kabilang Barangay ang mahigpit niyang karibal sa teritoryo at si “Goryong Gwapo. Hanggang dumating sa buhay ni Badong ang isang anghel na si “Chelo” siya ang magbabago sa buhay niya. Isang araw ay nasagasaan  siya at sa tulong ni Chelo ay naipagamot siya . Tinulungan rin siya ng doktor na magbago . Bumalik siya ng bayan nila, malaki na ang nagbago. Si Goryong Gwapo na ang naghahari sa teritoryo nito, kasama si Tikboy. Kaya hinamon niya ito at nasaksak ni Goryo si Badong .


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento