YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES

Miyerkules, Enero 22, 2014

Jaguar : Suring Trahedya

Pagsusuri sa Akdang
“Jaguar”
ni Lino Brocka
 I.       Pagkilala sa may Akda
-  Si Catalino Ortiz Brocka, na mas nakilala bilang Lino Brocka, ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa. Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan. Ipinamalas niya rin ang pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa kanyang mga pelikula. Kung kaya't hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba't ibang henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa..
II.         Uri ng Panitikan
-          Ang “Jaguar” ay isang sikat na dulang trahedya.
III.        Layunin ng may Akda
-          Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama rito ang paghamak ng kung ano-ano maabot lang pangarap. Kahit na ito ay mali, sinasantabi ito dahil sa kahirapan at pangangailangan mabuhay.
IV.          Tema o Paksa ng May-akda
-       Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga kahirapan ng atin bansa. Kailngan rin ng papupursige sa trabaho kahit na mali man ito. Ang pagkauhaw sa ginhawa sa buhay ay  ang pangunanahing inaasam rito,
V.         Mga Tauhan sa Akda
-       Poldo Miranda (Jaguar) – sekyu at pinipilit na maiingat ang posisyon sa trabaho.
-       Sonny – ang amo ni Jaguar
VI.          Tagpuan/ Panahon
-     isang barrio
VII.         Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari
-       nagpapakita ng pakikibaka ng mga tao  upang takasan ang kahirapan. Sumasalamin rin sa mga tao na hinahamak ang lahat upang matamasa ang ginhawa ng buhay.
VIII.       Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
-       Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa kahirapan ng bansa. Makikita rin ang mga desiyon natin na sa tingin natin ay makakapag-angat sa estado ng buhay natin. Kahit minsan ay mali na ito ay pilit pa rin nating ginagawa, dahil naiisip na ito na ang huling opportunidad para sa isang maginhawang buhay.
IX.          Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
-       Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan. Naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito. Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.
X.            Buod
.- Si Poldo ay isang guwardiya, masipag man siya ay alam niyang hindi sapat iyon. Pilit niya inaangat ang posisyon niya sa trabaho , isa sa naisip niyang paraan ay ang pagiging malapit sa kanyang amo na si Sonny. Inimbitahan niya ito sa fiesta ng kanilang bayan. Puno ng salu-salo at mainit ang pagtanggap nila rito. Gumabi na at biglang ang kasiyahan ay napalitan ng takot. Naipit si Poldo sa away ng magkaibigan na si Direk at Sonny. Hanggang sa dumating ang mga pulis. Hindi sinasadya ay napatay niya ang kaibigan ng amo. Nagwakas sa bilangguan ang pangarap ng isang guwardiyang takasan ang daigdig ng kahirapan.


2 komento: