Pagsusuri sa Akdang
“Jaguar”
ni Lino Brocka
I. Pagkilala sa may Akda
- Si Catalino Ortiz Brocka, na mas nakilala
bilang Lino Brocka, ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na
pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa. Tinalakay niya sa kanyang mga
pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan. Ipinamalas niya rin ang
pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan
sa kanyang mga pelikula. Kung kaya't hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at
hinahangaan ng mga tao mula sa iba't ibang henerasyon dahil na rin sa mga
sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa..
II. Uri ng Panitikan
-
Ang “Jaguar” ay isang sikat na dulang trahedya.
III. Layunin ng may Akda
-
Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama
rito ang paghamak ng kung ano-ano maabot lang pangarap. Kahit na ito ay mali,
sinasantabi ito dahil sa kahirapan at pangangailangan mabuhay.
IV.
Tema o Paksa ng May-akda
- Nagmumulat sa isyu ng
lipunan ukol sa mga kahirapan ng atin bansa. Kailngan rin ng papupursige sa
trabaho kahit na mali man ito. Ang pagkauhaw sa ginhawa sa buhay ay ang pangunanahing inaasam rito,
V.
Mga Tauhan sa Akda
-
Poldo Miranda (Jaguar) – sekyu at
pinipilit na maiingat ang posisyon sa trabaho.
-
Sonny – ang amo ni Jaguar
VI.
Tagpuan/ Panahon
- isang barrio
VII.
Nilalaman/ Balangkas
ng Pangyayari
- nagpapakita ng pakikibaka
ng mga tao upang takasan ang kahirapan.
Sumasalamin rin sa mga tao na hinahamak ang lahat upang matamasa ang ginhawa ng
buhay.
VIII. Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
- Nagtataglay ito ng
mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa kahirapan
ng bansa. Makikita rin ang mga desiyon natin na sa tingin natin ay
makakapag-angat sa estado ng buhay natin. Kahit minsan ay mali na ito ay pilit
pa rin nating ginagawa, dahil naiisip na ito na ang huling opportunidad para sa
isang maginhawang buhay.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
- Naging epektibo ang
akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan.
Naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito.
Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.
X.
Buod
.- Si Poldo ay isang guwardiya,
masipag man siya ay alam niyang hindi sapat iyon. Pilit niya inaangat ang posisyon
niya sa trabaho , isa sa naisip niyang paraan ay ang pagiging malapit sa
kanyang amo na si Sonny. Inimbitahan niya ito sa fiesta ng kanilang bayan. Puno
ng salu-salo at mainit ang pagtanggap nila rito. Gumabi na at biglang ang
kasiyahan ay napalitan ng takot. Naipit si Poldo sa away ng magkaibigan na si
Direk at Sonny. Hanggang sa dumating ang mga pulis. Hindi sinasadya ay napatay
niya ang kaibigan ng amo. Nagwakas sa bilangguan ang pangarap ng isang
guwardiyang takasan ang daigdig ng kahirapan.