Pagsusuri sa Akdang
“Anghel”
ni Noel de Leon
I. Pagkilala sa may Akda
- Si Noel de Leon ay isang Pilipinong manunulat
na sikat din na “blogger” at panulat ng mga iskript.
II. Uri ng Panitikan
-
Ang “Anghel” ay isang sikat na dulang trahedya.
III. Layunin ng may Akda
-
Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama
rito ang pagkalat ng illegal na mga gawain at mga taong nasisira ang buhay
dahil sa mga gawaing ito.
IV.
Tema o Paksa ng May-akda
-
Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga kahirapan ng atin bansa. Ang
mga tao na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at ang pagbabago ng isang tao
upang maitama na niya ang kanyang pagkakamali.
V.
Mga Tauhan sa Akda
-
Salvador Catacutan (Badong) – isang
basagulero
-
Tikboy- ang alalay ni Badong
-
Goryong Gwapo – mahigpit na kaaway
niya sa kanilang lugar
VI.
Tagpuan/ Panahon
- isang pamayanan
VII.
Nilalaman/ Balangkas
ng Pangyayari
- nagpapakita ng pakikibaka
ng mga tao upang takasan ang kahirapan.
Ang mga pagkakamali katulad ng aggamit ng bawal na gamot at panloloko sa ibang
tao para lamang makaluwag sa buhay
VIII. Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda
- Nagtataglay ito ng
mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa kahirapan
ng bansa. Makikita rin ang mga desiyon natin na sa tingin natin ay makakapag-angat
sa estado ng buhay natin. Tulad na lamang sa kanila kung saan ay ang pagbebenta
nila ng bawal na gamot at panloloko sa mga tao na hindi dapat ginagawa alang
–alang sa pera.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
- Naging epektibo ang
akdang ito sa papakita ng mga emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan.
Naging pormal ang mga salitang ginamit at wasto ang gramatika nito.
Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.
X.
Buod
.- Si Salvador Catacutan
o mas kilala na “Badong Buldozer” , isang ulilla sa ina at ang ama naman ay
pinabayaan na siya. Kasama niya sa buhay ay si Tikboy na hinahangan siya a mga
diskarte sa buhay.Sa kabilang Barangay ang mahigpit niyang karibal sa teritoryo
at si “Goryong Gwapo. Hanggang dumating sa buhay ni Badong ang isang anghel na
si “Chelo” siya ang magbabago sa buhay niya. Isang araw ay nasagasaan siya at sa tulong ni Chelo ay naipagamot siya
. Tinulungan rin siya ng doktor na magbago . Bumalik siya ng bayan nila, malaki
na ang nagbago. Si Goryong Gwapo na ang naghahari sa teritoryo nito, kasama si
Tikboy. Kaya hinamon niya ito at nasaksak ni Goryo si Badong .